?

Log in

there's no need to complicate, our time is short...

THIS is our fate, i'm yours. ♥

Name:
Ako si Lovely ♥
Birthdate:
30 October
Location:
External Services:
  • matarayako@livejournal.com
  • diyosa shalla AIM status
NOTE: This is a role-playing journal.
layout by: thefulcrum & gossymer


~LVELY~




Ako si Lovely. ^^ Simple lang pero puwedeng pataubin ang buong buhay mo kung gugustuhin ko. Madali lang naman akong pakisamahan, sa katunayan, friendly naman akong tao. Huwag mo lang iinsultuhin ang pamilya at mga kaibigan ko, magkakasundo tayo.

Ayoko sa mga taong plastik, sinungaling at higit sa lahat, mayabang. Kung nagfi-fit ka sa mga description na 'to, ayaw kitang makilala. Kung opposite ka naman ng mga nabanggit kong katangian, malamang friends na tayo.

Meron akong nag-iisang kapatid na alien lalaki. Si Quentin.



Babala: Poser yan.


Matalino yan, 'di tulad ko. :P Doble pa nga ang major na kinukuha niya sa college, feeling naman niya magkaka-chicks siya pag nagdouble major siya. Ayoko na nga siya i-describe... pumunta na lang kayo sa blog niya at tingnan niyo kung may makuha kayo dun. :P

Pangarap kong maging model balang araw, pero parang ayaw sa akin ng pangarap ko. Kaya ngayon naghahanap ako ng trabaho... kahit ano puwede kong subukan, basta huwag lang yung nangangailangan ng matitinding computation. Naging traffic angel na ako dati sa radyo at sumubok na rin akong magtinda ng meryenda sa UP... kaya kahit ano talagang trabaho puwede sa akin, basta marangal at hindi naman ako agrabyado.


At ito naman ang mahal ko ♥:



Joseph ang pangalan niya at mahilig din siyang sumayaw tulad ko. Mabait siya at maalalahanin at makulit — lagi niya rin akong napapatawa. Ayoko na sabihin edad niya kasi baka sabihin pedo ako. Ang guwapo niya noh? ^^♥ Mahal ko yan, sobra kahit minsan nakakainis siya.

Model na rin yan! ^_^ Kami pa nga magkasama sa first project niya eh... tingnan niyo o:



Hindi naman obvious na super proud ako noh? ♥


Statistics